Crown of: Claribel S. Labuguen
UserName: RR
Age: 10
Batch: 004
Gender: Female
Location: San Mateo, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Simula po ng pagdedebosyon ko ay parang Wala pa pong alam at Hindi ko po inuuna Ang devotion natin pero po noong tumagal po Ako sa aking pagdedevotion parang naganahan na po Akong mag send at paglinggo po ay Wala nga pong devotion pero po yung mga Kasama ko po na pumupunta sa church is sinasabi po nila na Wala pong devotion kaya po nagagalak napo Ako sa pagdedevotion po natin Kase po tumagal narin po Ako sa aking pagdedevotion kaya po kung may kamag-anak po Tayo na nag chuchurch sa ating mga church ay yayain po natin sila para makilala po nila Lalo Ang ating AMA kaya't Tayo pa po ay mag hikayat sa ating mga church para makilala po nila Ang ating tunay na DIYOS at hindi po dapat Tayo sumasamba sa mga diyosdiyosan dahil po Ang mga ito ay Hindi DIYOS dahil may mata nga po sila Hindi namn po sila nakakakita at may paa po sila pero Hindi po sya makalakad pero Ang ating AMA po ay naglalakad at nagsasalita ng kanyang mga salita kayat Tayo po ay sumamba sa Kanya at dapat iisa lang po Ang ating AMA. Yun na lamang po Ang saakin.
Crown of: Vilma A. Labuguen
UserName: Ramram
Age: 11
Batch: 002
Gender: Male
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Simula po nung ako'y nagdedebosyon, tunay nga po na napakadaming naidulot, naitulong at iniba ng Daily Devotional sa aking buhay. Noon po kasi nung hindi pa ako nakasali or nakilahok dito po sa Bible Study Group, madalas po akong naglalaro ng Mobile Games, nanonood ng Tiktok, nagscro-scroll sa Facebook or Instagram and then nung ako po ay naimbitahan na magdevotion doon kopo naramdaman na kunti palang pala ang aking kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay. Noong ako po ay nagstart na magdevotion doon ko rin po nalaman ang tunay na kahulugan ng mga Each Verses na iyon at doon ko rin po nalaman na kulang pa ang aking kaalaman tungkol sa pagsusunod sa Diyos. Kaya laking palad ko po at nakajoin, nakisali at nakikisalamuha po ako sa mga fellowships, bible studies at devotions po na ito. Kaya po isa rin pong paalala ito para saatin na kung nais natin na maranasan ng iba ang ating mga nararamdaman at nagagawa natin dito sa ating pagdedevotion, why not mag-aya po tayo ng iba pang mga kaluluwa para ma-experience rin po nila ang ating mga dinarama? Ang laking aspeto po ng aking pagdedevotion sa aking buhay, hindi lamang ako natututo, kundi ako ay lumalago through faith, lumalago spiritual at ako po ay lumalaking may kaalaman sa Diyos at kasama ang Diyos.
Crown of: Claribel S. Labuguen
UserName: gracia_v
Age: 18
Batch: 001
Gender: Female
Location: Cauayan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Dahil Po sa program na to nabago ko ang aspect at pagtingin ko sa Buhay, nagbago Po ang daily routine ko, although meron pong time noon na discourage Ako umalis sa program dahil umalis ang mga kapwa ko kabataan pero merong parte na nagsasabi na kailangan ko mag stay sa programang ito, noong una di ko Po alam ang aking ginagawa pinagsabihan rin Po Ako at imbes na I take ko yon in a negative way naging motivation ko Po yon na seryosohin ang programang ito kaya nagdasal din Ako noon na bigyan ako ng DYOS ng understanding at wisdom. Nagkaroon Naman Po ng improvement sobra Po ang saya ko noong nalaman ko na Ako lang ang naka kuha ng point tungkol sa verse na Matthew 25:3-13 dahil ibig Sabihin Po non may improvement talaga. Di ko Po Inakala na nakaabot ako ng ganito kalayo iniisip ko Po non magagawa ko Pa ba to pag asa college na Ako? Kasi that time Po may mga testimony akong napapanood online na kadalasan napapalayo ka sa Diyos sa college kaya nagpapasalamat Po Ako na Hindi talaga Ako umalis sa programang ito, di lang Po ito nakatulong sa akin spiritually at nagkaroon ng deeper connection Kay LORD at knowledge nagiging comfort ko din Po ito dahil minsan parang alam nito ang mga pinagdadaanan ko spiritually dahil Po dito, nagkaroon ako ng aking personal na devotion sa buhay, nasindihan Po ulit ang apoy sa aking pusong nanlalamig. Maraming salamat Po Kay LORD sa opportunity na ito.
Crown of: Rodolfo Agas
UserName: brijette leah
Age: 17
Batch: 006
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Gusto ko lang pong i-share yung kabutihan ng DIYOS sa buhay ko simula po nung nag de-devotion po ako. Napaka saya po ng puso nung nag simula po akong mag devotion napaka laking bagay po sa akin na natuto po akong mag devotion dahil dati po pag nagigising po ako is deretso ligo pag gagayak po para pumasok medyo nale-late pa po akong mag ayos sa sarili ko pero simula po nung nag devotion ako parang may gumi-gising po sa akin at kada magigising po ako ang pag de-devotion po tlga yung inuuna kong gawin and with that po nagagawa ko na ng maayos yung mga kailangan kong gawin na parang yung nagiging alarm clock sa umaga na parang di ko po kayang gumawa ng mga bagay kung hindi ako makaka pag send ng daily devotion ko . Kapag minsan po nale late akong mag send ng devotion or hindi papo ako naka pag send ini isip isip ko po talga kung naka pag send napo ba tlga ako .
Ang isa papong testimony na ginawa sakin ng PANGINOON ay yung pag kakaroon ng matataas na score every may quiz may summative po palagi na pong mataas yung nakukuha kong score na hindi na po gaya ng dati kaya tuwang tuwa po yung puso ko na hindi napo ako bumabagsak sa mga quiz at summative. Tunay nga po na ang DIYOS ang siyang kikilos sa ating mga buhay siya po ang gagabay sa atin. Huwag po tayong mag sawang papurihan ang DIYOS . Praise GOD and huwag po tayong makakalimot na itaas ang ngalan Niya.
Crown of: Rofel A. Labuguen
UserName: BelLabuguen
Age: 34
Batch: 001
Gender: Female
Location: San Mateo, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Napakabuti ng Panginoon sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Simula noong nag start ako sa daily devotion, hindi na mabilang sa daliri ng mga kamay at paa ko , sa sobrang dami Niyang ginawa sa buhay ko at sa pamilya ko. Unti-unti Niyang binago ang lifestyle at pag uugali ko. Higit sa lahat, mas lalo akong tumibay sa ak8ng pananampalataya, mas hinahanap at nandun ang kagalakan sa aking puso kapag nagbabasa at nakikinig ako ng Kanyang Salita. Na kung dati, nauubos ang oras ko sa panonood ng mga Korean dramas at ibang videos sa social media. Ngunit minsanang inalis yun ng Panginoon. Even yung pagiging worrier ko sa mga finances, bills at allowances. Unti-unti inalis lahat ng Panginoon. And even small things, mas naaapreciate ko na compared before, magrereklamo pa ako. Inayos ng Diyos ang pag-uugali ko. Grabe! Sobrang dami. Basta until now, hindi na maalis sa puso ko ang galak, saya at tuwa dahil ang Pag-ibig ng Diyos ay walang katulad. Patuloy kong tinataas ang Dakila Mong Ngalan Oh Diyos. Sayo lahat ang kapurihan🙏
Crown of: KC Admin
UserName: bong
Age: 37
Batch: 001
Gender: Male
Location: San Mateo, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Mga kapatid ako na siguro yung taong matigas ang ulo at kontrabida sa lahat ng bagay. Ako yung dating nag kristiano kristainoan na naglilingkod sa Diyos na pagkatapos mag simba balik sa dati ang gawain inum at walang tym sa pag babasa ng Biblia ngunit ang laki ng impact sa buhay ko ang devotion dito sa kingdom na nung una na akoy pumasok sobrang tigas ng ulo ko at ayaw kong sumunod sa paanyaya nila at ako pa ang nag sasabing time kung ano oras ako kakausapin ngunit nung sinabi na kailangan mong mag pakumbaba at iwanan lahat ng nalalaman mo. So trinay ko naman. After a few days may pinapabasa sa akin, nung una wala lang nung tumagal na akoy lumalalim sa pag babasa nararamdaman ko sa akin sarili na nagliliwanag lahat ng akin nabasa at pinapakita ng Diyos kung gaano ako kababa dahil akoy isang alabok lamang ngunit akoy Kanyang inahon sa alabok at pinasan gamit ang kanyang mga kamay na realize ko na ang Diyos kaya akong gawing special kahit na walang kwenta ang pinanggalingan nating alabok. Pero pag pinahawakan mo ang buhay mo sa Panginoon unti unti ka nyang babaguhin at mararamdaman mo ang pag ka special at pagkasabik ng Diyos na makita ka nyang bumalik sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagrelasyun natin nang malalim sa pamamagitan ng kanyang mga salita at sa pamamagitan ng Devotion na ito in the blink of an eye yung dating walang pakialam sa paglilingkod sa Diyos na dating umiinom at na sa likod lang ng Church at hindi nakikinig at saka lang pupunta sa harap para tutugtog ngayun akoy nasa harapan nakatayo at binibigay ang Mensahe ng Diyos sa mga tao at binago dahil sa Devotion at pag seseryoso sa pag sunod sa devotion at kahit ano pa ang mangyari ay hindi ko ipagpapalit ang yaman na nakita ko, ito ang kaharian ng Diyos na kanyang ibinigay walang silbi ang kayamanan ng mundo sa binigay na pag asa ng Diyos at kaligtasan at pangakong hindi ka iiwan at hindi ka pababayaan....
Ako po ay dating nasa back seat ng Church and now ako po ay nasa harapan nagtuturo at binbigay ang mensahe ng Diyos sa mga tao. At ang the best dyan, dati kayamanan at luho ang nasaisip ko ngayun nawala lahat ang focus ko sa makalupang pangarap kundi ang pangarap ko makalangit na pangarap.
Crown of: Claribel S. Labuguen
UserName: MK
Age: 31
Batch: 001
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Before I joined the devotion program, I already had the strong desire to be used by God pero hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula since hindi naman ako active in joining to any religious activities either in Manila or Isabela. I am so blessed that there were people who reached me out and shared the devotion program. I am still on the pocess of living out God's teachings but here are my few wins with God:
BEFORE : I want to be part of God's movement here on earth , but I am not a member of any religious activities. Gusto ko magpagamit sa Diyos pero wala naman akong ginagawang action para magamit Niya.
NOW: Now, I am slowly being active on joining movements that promotes relationship with God rather than religion. An example of that is "kamustahan"
BEFORE: Gusto ko maghayo or mag-invite or magshare ng Good News sa iba pero hindi naman ako nagbabasa ng Bible. I claim that I am a Born Again Christian but I know few of the Bible verses kaya nahihiya ako.
NOW: As I joined the devotion program, I became bold and courageous to share the Good News to others by merely sharing my experience or others experience who are involved in the program. Nagagalak ako pag iyong mga newly invites ay nakaka-experience din ng kakaibang presensya ng Panginoon sa buhay nila. Kung dati, hadlang iyong kaalaman ko sa Bibliya at malayo sa akin mga kaclose ko kaya di ako makapaginvite, pero dahil sa devotion program, kahit malalayo ay naabot ko na din para mapakilala ang Diyos.
BEFORE: I know little about God. I attend the Sunday services but after that I only remember the preaching but not the Bible verses. I only feed my spiritual hunger every Sunday or pag may nakikita ako sa social media na mga posts.
NOW: Ngayon everyday nafifeed na ako spiritually. Mas lalo akong nagkakaidea kung ano iyong tama o mali sa Diyos. Nareremind ako na dapat magkaroon ng totoong pagsunod at pagsamba at hindi lamang manatiling kaalaman iyong mga nababasa na Salita ng Diyos.
BEFORE: Naaalala ko lang ang Diyos pag masaya ako or pag kailangan ko siya lalo na kapag may problema ako
NOW: Mas natututo na akong magpasalamat sa Diyos kahit sa pinakamaliit na bagay at hindi ko nalang Siya naalala pag may kailangan ako sa Kanya. Slowly, natututo akong makuntento sa buhay. Andun na din iyong conviction sa akin pag may naiisip, nagagawa nasasabi ako na hindi akma sa Diyos. Madami pa din akong flaws pero natututo akong idulog iyong mga kahinaan ko sa Kanya kasi alam kong hindi ko kayang baguhin sarili ko, kundi Siya lamang. Dito ko uli na-try lumuhod sa Diyos hindi dahil sinabi ng pastor o ng ibang tao pero dahil alam ko na makasalanan ako at kailangan kong magmakaawa sa Diyos para mapatawad Niya ako.
I pray na mas lalo pang dumami ang mapalapit sa Diyos dahil sa "devotion program" ng Kingdom Chronicles. I pray that may God touch us all to help and aid the needs of the Kingdom Chronicles because what we experienced are the fruits of this program. God wants true servants not only by mouth but by heart and actions.
Crown of: Carlos Valdez
UserName: Lailanie
Age: 37
Batch: 003
Gender: Female
Location: Diffun, Quirino
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: City of God
Message:
1. Tayo bilang anak ng Dios napakainam na lagi tayong Babad sa presensiya Niya na ito ay magbibigay sa atin ng tatag na harapin anuman ang mga pagdadaanan natin.Maging mapanalanginin Tayo at laging mag-aral ng kanyang mga salita. Lalo na sa panahon natin Ngayon na sobrang busy nating mga tao pero mainam na Tayo ay naglalaan ng panahon para sa Dios.
2. Kinikilala Kong naging malaking bahagi ng aking paglago ng aking espirituwal na Buhay ko ang debosyon na ito(daily devotion) na programa ng kingdom ng Diyos sa pamamagitan kasi nito naibalik ang mas maigting at maayos na relasyon Ko sa Dios kahit ako Isang lingkod ng Dios kaming mag-asawa ay dumaan sa matinding pagsubok sa Buhay na pakiramdam ko noon ay nakalimutan na kami ng Dios, Hindi na nasasagot ang aming mga panalangin, nagsarado na ang langit bagama't ako'y laging nag-aaral at nagbabasa ng kanyang mga salita, nanalangin dahil iyon na ang naging Buhay ko at nakasanayan pero dito sa debosyon program na ito, iba talaga ang kapangyarihan at presensiya ng Dios na aking nararanasan iyong naibubuhos ko talaga sa Dios ang laman ng aking puso at talagang nawalan ako ng gana na manuod ng TV maging sa Facebook at You tube.
3. Kaya Tayo na nagdedevotion makipagniig Tayo sa Dios, kausapin natin Siya ng masinsinan, maging mapagkumbaba Tayo at alam Kong siya ang Dios na gagawa ng Dakila at kamangha-manghang bagay.
Crown of: Mary Khristine Alejo - Canete
UserName: sarahjean
Age: 33
Batch: 005
Gender: Female
Location: Laguna
Religion/Belief: Christian
Church Name: Roman Catholic
Message:
Alam niyo po dito sa pagsali ko sa pagdedebosyon, my mga bagay na nabago sa akin. Natuto akong mas kumalma pa, kasi noon magagalitin talaga ako, konting kibot galit na agad, kahit wala naman kasalanan sa akin naiirita na ako, dahil kasi sa stress at dami ng problema sa trabaho at pansarili kaya siguro bugnutin ako, pero ngayon hindi na, unti-unti kong natutunan pakalmahin yung sarili ko sa mga bagay bagay, hindi naman kasi kailangan dapat idaan sa galit ang lahat, kailangan intindihin mabuti yung senaryo or yung problema tsaka gumawa ng solusyon, kesa unahin ang galit wala naman mangyayari.
Mas pinipili ko na din ngayon umiwas sa mga nakakastress na bagay. Tsaka mas humaba ang pasensya at pag-unawa ko sa mga bagay bagay, mas pinipili ko nalang manahimik para hindi na lumaki o para matapos nalang kasi ayokong makapagsalita ng mga bagay na masasakit at bandang huli ay pagsisisihan ko lang din.
Tsaka noon hindi ko gaano nakikilala ang Diyos, nagsisimba ako, oo pero sabi nga sa mga verses sa debosyon, hindi porket nagsisimba ka eh mkakaligtas kana. Aminado ako na may mga nagagawa akong kasalanan noon kahit nagsisimba naman ako, pero ngayon sa araw-araw na pagdedebosyon mas makikilala mo ang Diyos, mas maiintindihan mo siya kung panaano ka niya gustong magbago at gumawa ng mabuti, ipapaalala niya sayo lahat ng magiging kahihinatnan mo kapag hindi ka sumunod sa kanya, at kahit sobrang dami ng kasalanan at laki ng kasalanan na nagawa nandyan pa din ang Diyos na handang umintindi at patawarin ka, maging totoo lang at taos sa puso yung paghingi mo ng tawad.
Ngayon ang masasabi ko sa sarili ko tungkol sa pagdedebosyon, oo my mga ugali akong nabago, mas nakilala ko ang Diyos at nagkaroon ako ng relasyon sa Kanya, pero tingin ko hindi pa ganun kalalim yung pananampalataya ko sa kanyan, kasi alam ko sa sarili ko na meron akong mga kasalanan na nagawa na hindi ko maharap, kaya siguro para hindi buo yung pagdedebosyon ko, pero alam ko kahit papaano may nagbago sa akin, humihingi nalang ako ng gabay sa Diyos at sana bigyan niya din ako ng lakas ng loob na harapin yung problemang dinadanas ko ngayon.
Gusto kong magkaroon ng ultimate na pagbabago para sa sarili ko kaya alam kong kaya kong harapin ang lahat, magiging okay din lahat at malalampasan ko din mga pagsubok na binigay sa akin ng Diyos. Ipagpapatuloy ko padin itong pagdedebosyon ko kasi dito gumagaan ang pakiramdam ko sa pagdadasal. Maraming salamat po sa programang ito kahit iba ang aking relihiyon ay tinanggap niyo padin po ako.
Crown of: KC Admin
UserName: Marimar
Age: 27
Batch: 006
Gender: Female
Location: Ramon, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: GSFI
Message:
Ang programa na ginawa ng namamahala dito sa Kingdom Chronicle ay napakalaking tulong para sa aking spiritwal na paglago. Sapagkat ang pinaka layunin ng programang ito ay upang makilala ko ang tunay at nag iisang Diyos. At nakilala ko ang Diyos through His Words. Sapagkat hindi nagpakilala ang Diyos saakin, pero ni Reveal Niya ang Sarili niya saakin. At nababasa ko ito sa Biblya. Ang programang ito ang nagturo sa akin kung paano magdebosyon, at sa pamamagitan ng debosyon ko nakakabuo ako ng relasyon sa Diyos. Sa bawat pagbabasa ko ng Kanyang mga salita, ay may scenario, information or idea na sunod sunod pumapasok sa aking mga isip lahat iyon ay galing sa Holy Spirit na nakikipag usap saakin habang nagbabasa ng Bible. Ang lahat ng ito ay hindi ko mararanasan kung hindi ako napabilang sa programang ito. Ito ang naging medium upang mas makilala ko ang Panginoon. Dito nasagot lahat ng tanong ko at alam ko na masasagot pa lalo lahat ng magiging tanong ko pa. Ang buhay ko ngayon na araw araw na bineblessed ng words of God ay sobrang layo sa buhay ko noon na pariwara, magulo, at iba iba pang masasamang ugali na meron ako. Kaya napakalaking pasasalamat ko sa program na ito dahil ito ang naging apakan ko upang mapalapit at magkaroon ako ng malalim na relasyon pa sa Diyos. Hindi pa natitigil ang pag aaral natin kase the more we dig deeper mas marami pa tayong malalaman at matutuklasan tungkol sa Tunay, Buhay at Totoong Diyos na sinasamba natin. Ineexpect ko sa programang ito na mas mapapalalim ko pa ang aking pagkilala sa Panginoon at magkaroon pa ako ng mas malalim na Relasyon.
Crown of: Sally Vea
UserName: Princess
Age: 32
Batch: 007
Gender: Female
Location: General Santos City
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: Born Again Santuary of Praise
Message:
Sa aking Daily Devotion ay naging mahalaga sa Part ng buhay ko Dahil dito ay
napalapit ako sa ating Diyos. Dati po kasi ay wala Po akong time ni halos di Po ako nagbabasa Ng bible pero ngayon na may Daily Devotion na akong Task sa Araw Araw, Pinipilit Kong maunawaan Ang Mga Salita ng Diyos sa aking Buhay kahit po sa una ay nahirapan po ako dahil bihira ako magbasa ng Word of God, kalaunan Po ay unti unti ko naman po nauunawaan Ang lahat. Sa paggawa ko Araw araw ng reflection ay minsan nahirapan din ako but later on with the Guidance of our LORD kaya medyo nauunawaan ko na po kalaunan. Naging excited at masaya ako sa Pagdedevotion.
Dahil dito ay nagbago ang attitude ko na dating mainitin ang ulo kahit sa maliit na bagay dahil po siguro sa pagod ko Araw Araw...Thanks to our Lord dahil marami ang nabago sa attitudes ko, na kocontrol ko na po Ang pag uugali ko. About naman Po sa Testimony na ibabahagi ko ngayun sa nangyari sa aming buhay ay natutunan Ko na Kahit Gaano man Ang pagsubok Na binibigay sa amin ng Diyos never na Po ako nag Question sa kanya, dahil lahat ng Kanyang binigay sa amin na pagsubok ay may hangganan, Alam Kong malalampasan Namin ito dahil NASA Buhay na Namin Pag uunawa at paglilingkod Sa Ating Diyos...
Kahit minsan Po ay halos wala na Po ako pahinga dahil sa Araw Araw Kong obligasyon sa pamilya ko at sa Store ko Never Kong kinalimutan Na magpasalamat at manalagin sa Araw Araw Sa Ating Diyos... di ko man ma voice out sa Kamustahan Ang aking Buhay pero sa Ating Diyos alam Niya Kong Ano Ang aking Hinanaing...Nag papasalamat ako dahil kahit na malayo pa ako pag-uunawa Ng mga Salita ng Diyos ay nag puporsige ako Upang lalo ko pang maintindihan Ang lahat lahat ...I just want to say Thank you Lord For Everything you have done for me and to My Family.
Crown of: Mary Khristine Alejo - Canete
UserName: Marj
Age: 23
Batch: 009
Gender: Female
Location: Makati
Religion/Belief: Christian
Church Name: Roman Catholic
Message:
Good day to everyone! I just want to share my experience with this Devotion Program. Since Ma’am Mk introduced this program to us, I’ve grown closer to God. Even though I can’t attend the check-ins, I never forget to talk to the Lord every night before I sleep.
This devotion program has really helped me achieve peace of mind. When I first started, I constantly prayed to the Lord, asking for peace so that I wouldn’t always feel unmotivated in life. Since I’m also new to Manila, I can’t avoid feeling lonely or overthinking when I’m by myself. But ever since I began doing my devotion, it seems like my daily life has been going smoothly—from the moment I wake up until my workday ends. I can’t fully explain how God works in my life, but I always trust Him. Every time I feel sad or overwhelmed, I always talk to the Lord and surrender all my thoughts and feelings to Him.
Lord, thank you so much for the life you give me every day and for answering the prayers of my family. I know that You understand the desires of my heart. Please forgive me for the sins I have committed. Amen.
Crown of: Mary Khristine Alejo - Canete
UserName: JLMC
Age: 28
Batch: 009
Gender: Female
Location: Makati City
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: Church of God
Message:
Super thankful ako kay Maam MK na pinakilala nya yung programa na ito sakin. Simula ng nakilala ko tong devotion program na to napakadaming nagbago sa akin, as in sobra, lifestyle, attitude, kaisipan, goal, sa lahat ng aspeto.
Unang una po, sa way ko ng pakikipag-communicate ko kay Lord. Dati po talaga, all honesty, ang daily routine ko, nung hindi pa po ako nagdedevotion, hindi po ako nagppray before ko simulan at tapusin yung araw ko. Ngayon po, walang mintis, araw-araw gabi gabi kong kausap si Lord dahil sa devotion program na to. Minsan pa, iiyak pa ako sa Kanya kasi hindi pumapasok sa utak ko yung mga binabasa ko. Alam mo po yun, yung willingness ko sa mga Salita ng Panginoon, andoon na talaga. Kaya thank you talaga kay Maam MK, sa Kingdom Chronicles at syempre kay Lord.
Second, kung papaano ako mag-isip. Dati po kapag may nagoopen up sakin ng mga bagay bagay, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko. Minsan pa nga, ginagatungan ko pa para lumala yung eksena. Ngayon, andami kong Word of God na nasishare sa kanila para ma-comfort ko sila kahit papaano, na lapit lang sila kay Lord kasi si Lord andyan lang naghihintay anytime. Dati din napaka-makasalanan ng mata at isipan ko, inggitera ganun(Sorry, Lord). Ngayon, dahil sa mga verses na nababasa ko araw araw na nakakapag-convict sakin, natuto akong maging masaya, ipagpray sila. Ganun.
Yung kumustahan session, napakalaking tulong talaga nun sakin. Sa mga experience na shinishare ng bawat isa, nakaka-inspire. Tapos, maliban sa asawa ko, nakukwento ko doon yung galak at tuwa ng puso ko sa mga nangyayari sakin every week, blessings man yan o problema.
Iba pala yung pakiramdam kapag may mga magandang outcome yung mga bagay after mong mailapit kay Lord. Mapapasabi ka nalang ng talagang napakabuti ng Panginoon.
Dahil sa mga salita ng Diyos na nababasa ko araw araw gabi gabi, natutunan ko kung ano talaga ang mga gawaing makatwiran at para sa kaharian ng Diyos. Dahil sa mga Salita ng Diyos na nababasa at napagninilay nilayan ko araw at gabi, nabibigyan ako lagi ng kapayapaan, kasagaan, magaan na kalooban sa pang araw araw kong buhay.
Crown of: Claribel S. Labuguen
UserName: Carlos
Age: 53
Batch: 003
Gender: Male
Location: Diffun, Quirino
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: City of God
Message:
1. Kapatid alam mo ba kung bakit Tayo nilalang ng Dios?
a. Dapat alam mo kung Ano iyong purpose mo sa Buhay
b. Dapat alam mo kung Ano ang posisyon mo sa harapan ng Dios
c. Dapat alam mo kung sino ang Ama mo Kasi may dalawang Ama sa Mundo Satanas o Dios
d. Dapat alam mo kung taga saan ka langit o impiyerno
2.Nagpapasalamat ako sa programang debosyon na ito ay malaking tulong sa akin
a. Nabago ang pananaw ko sa Buhay sa paglilingkod sa Dios
b. Dati Babad sa TV Ngayon Hindi na
c. Dati pasaway ngayon Hindi na
3. Kapatid kung wala ka pang direction sa Buhay ito na ang panahon para magkaroon ka ng maayos na patutunguhan sa Buhay sumali ka na sa programa na daily devotion na ito sigurado Kapatid marami Kang matutunan at mabago sa Buhay.
Crown of: Ramon P. Labuguen
UserName: May
Age: 56
Batch: 002
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Ang pag bulay bulay araw araw sa SALITA ng Diyos ay nagbibigay tanglaw SA ating buhay, Ito ay nagbibigay pagbabago sa ating pananaw dito sa lupa. Ang nais ng Panginoon ipagkatiwala natin ang buhay ng may pusong mapagkumbaba. Upang makamtan natin ang buhay na pangako ng Diyos, buhay na kasiyasiya at buhay na walang hangan,Maging asin at ilaw sa lahat ng ating nakakasalamuha.. Manalangin tayo ng taimtim kung ano ba ang papel natin dito sa ibabaw ng mundo. Wag tayo padalala sa takbo ng buhay sa makamundong bagay bagkus hanapin natin ang tunay na paglago sa pamamigitan ng pag nilay nilay araw araw ng SALITA ng Diyos.
Malaking tulong ang First Journey ko for my daily devotion nakita ko sarili kona marami pala akong dapat malaman tungkol sa buhay ko dito sa mundo.. higit ang pagbabasa ng SALITA ng Diyos ay may malaking impact sa akin sarili, nagkaroon ako ng conviction..un dati matamlay ako sa panalangin ngayon nagkaroon ako ng eagerness na kailangan ng akin soul ang espiritual na pagkain, Dati tulog, bangon wala na pasasalamat o dasal na nangyayare, pero noon samali ako sa daily devotion andun yung init na kailangan manalangin umaga at gabi..for our protection. Minsan ang Salita ng Diyos ay masakit, takot at masaya pero pinapaunawa satin ng Banal na Espiritu na kailanman ay hindi tayo dapat katakotan sapagkat ang Diyos tinutuwid tayo sa maling pananaw SA atin buhay.
Amen Salamat sa Diyos.
Crown of: Ramon P. Labuguen
UserName: sally vea
Age: 53
Batch: 004
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Sa Journey ko sa aking pagdedevotion ay nakaramdam po ako ng sari saring emosyon at mga pagsubok na minsan ay ikinapanghihina ng aking pananampalataya sa Diyos dahil sa araw araw ng ating mga gawain minsan dika nakakasunod sa tamang oras ng pag dedebotion at marĂ mi pang ibang dahilan...
Ngunit ako po ay nagpapasalamat ng buong puso at nagpapakumbaba sa ating Panginoong Diyos sapagkat sa kabila ng aking mga pagkukulang at pagkakamali ay lagi ko pa din nararamdan ang Banal na presensya ng ating Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng pag tugon Niya sa aking mga samo at dalangin...
At ngayun pong nakapasok ako sa bagong daily devotion at nag level up kailangan kong humingi lagi ng gabay at tulong ng Banal na Espiritu upang maging tama ang aking mga gagawin at sa bawat desisyon ay kailangan naaayon sa Banal na Kalooban ng ating DIYOS upang diko pag sisisihan sa bandang huli at tulungan nawa Niya ako na ako ay maka sunod sa Kanyang mga alituntunin sa lahat ng oras upang ako po ay maka akay ng kapwa ko na dating naligaw ng landas..bigyan nawa ako lagi ng lakas ng loob ng ating Panginoong Diyos sa pang araw araw upang mapagtagumpayan ko ang lahat ng mga pagsubok AMEN..
Muli po akong nagpapasalamat ng buong puso sa kabutihan at Pagmamahal ng ating Ama in Jesus Name Amen 🙏 ♥️
Crown of: sally vea
UserName: Lyn
Age: 53
Batch: 008
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Magandang Umaga po sa lahat
🙏♥️ Nais ko lang ibahagi ang testimony ko , nagisnan ko Ang pag ka-Roman Catholic ko, palasimba na kami Ng mama ko, first mass pa kami na naka mantel pa sa Ulo pag nag sasamba kami to tell story Short tinanggap ko Ang MAHAL na Jesus Christ noong 1977 high school ako noon sa Mindanao dayuhan lamang kami sa lugar, buong pamilya kami na convert,noon pa man kakambal na Ang pagsubok,natapos ko Ang College ko sa UE Manila 1996, napadpad Ako Dito sa Isabela, Dito na Ako nakapag asawa,ibat ibang sekta kami nagsismba, pa rin kami,di Ako tumigil sa panampalataya Namin.
July 16 ,1990, malakas na lindol noon nasa Manilla kami, Isa anak ko, kay Buti ng Panginoon sama sama kami buo, bumalik kami sa Mindanao, doon tuloy Ang Buhay, doon ko pinanganak ang dalawa Kong anak 3 daughters anak ko, nakasama si lakay ko na lay off sa work,balik kami Isabela 1997,tuloy pa rin Ang Buhay, tuloy din ang panalangin at pagpuri sa ating Diyos, sa palipat lipat Ng tirahan, humiling Ako sa Panginoon, masilungan lang, pero sa biyaya ng Diyos sobra-sobra ang binigay nya, hanggang Ngayon di kami tumigil sa Aming pakipagrelasyon sa ating MAHAL na Panginoon Jesus Christ at sa ating Ama sa langit oo sinusubok pa rin kami, wag lang magsawa sa pag sunod sa at maging matatag lang, salamat Ama sa mga tumulong tunay ngang napaka buti Ng Diyos May mga tao Siya na pinapadala upang tutulong Sayo,..
Ipag patuloy namin Ang nasimulan at magtiis Hanggang wakas iwan ko ang Lahat Ng ibinahagi ko sa devotion ko ay totoo sa pangalan Ng MAHAL na Panginoon Jesus Christ Amen 🙏♥️
Crown of: Ramon P. Labuguen
UserName: Emma 225
Age: 68
Batch: 001
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Sa loob Ng unang set ng daily devotion ay napakasaya dahil kasama ko palagi ang presensya ng Panginoon Dios at ang banal na Spiritu na syang nag gaguide at nagbibigay anointing and right reflection na base sa Verse na ibibigay Araw at hapon. Kung isa ka na, nag devotion ay magpaptuloy lang kayo kasi dito tayo mahuhubog at maging matured tayo sa ating pananampalataya at maging matatag tayo kahit anong problema na dumating ay di Tayo matitinag o manglulupaypay kc nasa atin na Ang presensya Ng Panginoon na di Nya Tayo pababayaan o iiwanan mam so magtiwala lang Tayo sa ating Dios kasi tayo na tinawag nya at pinili sa kanyang kaharian dito sa Mundo na gingalawan natin sa pamamagitan Ng kanyang programa sa Kingdom ay isa Tayo sa papasok sa ihahanda na Lugar para sa mga sumusunod at nagpapasakop sa kagustuhan Ng ating Dios at ano pa man ang ipaagawa sa atin bilang nag devotion ay mag obey lang Tayo at susuporta sa Kingdom ng Panginoon kasi ang pangako Ng ating Panginoon ay kung sino ang nagpapatuloy Hanggang wakas ay Tayo ang magtataglay Ng pangako Ng Panginoon sa bawat mananampalataya sa programa Ng Kingdom ng Panginoon. Amen All Glory belong's to our God.
Crown of: KC Admin
UserName: RPL
Age: 70
Batch: 003
Gender: Male
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Ang programa ng kingdom na devotional ay malaking bagay na makatutulong sa bawat tao kung ito ay yayakapin at sumali dito. Una, Dati kasi karamihan sa atin kung nagdidebosyon man ay isang beses lang sa isang araw ngayon at nasimulan nating ang gawain na ito araw-araw umaga't hapon ay nakatutok tayo sa pagdidebosyon at pati ang paggawa ng refleksiyon sa akin kasi dati ang devotion na ginagawa ko noon ay tama pabubulaybulayan ang mga salita ng DIYOS. NGUNIT Iba ito ngayon dahil ginagawan ng refleksiyon at hindi lang ikaw na nagdevotion ang nakakakita kundi marami dahil ginamitan natin ito ng sosyal media kaya, isa pa tiyak na ikaw ay lalago sapagkat nakatutok tayo sa kanyang salita at nakaka-gain din tayo ng knowledge dahil din sa mga reflection din ng ibang kasama sa paglagong Spiritual.
At maliban dito ay talagang paglalaanan mo ng oras upang makasunod ka sa mga alituntunin at makakatulong din sa pagme-mentor at kapag ito ay naikalat at marami na tayo malaki ang pagbabago ng mga kasali at tunay na maging ilaw sa lugar na kanyang ginagalawan at sa bawat kasapi nito ay nakakabuo tayo nag isamg bagong kumunidad na lahat ay may takot sa Diyos at ang katwiran ng Diyos ang siyang iiral gayundin ang bawat kasapi ay alam na ang responsibilidad at derektang may relasyon sa Diyos. Ang layunin nating lahat dito ay maglingkod sa kapuwa at higit lalo sa Diyos at ang malaking bagay ay may transformation.
Crown of: Ramon P. Labuguen
UserName: Josie A.
Age: 62
Batch: 003
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Bilang isang mananampalataya ang the best tesimony ko ay isa ako sa pinili na mag aral ng salita ng Diyos dahil sa dinadami ng tao sa mundong ito ay masabi ko na isa ako sa mapalad. Dahil naisasama ko ang asawa ko sa pag dedevotion at may reflections sa amin.
Dahil sa pag dedevotion ko na ibinibigay ng the Kingdom ,dati rati hindi ako marunong sumunod sa oras ng pag dedevotion ngayon may deciplina na tuwing umaga.
As our covenant namin na 6am in the morning at 7:30 in the evening na nandun na yon commitment mo sa Panginoon na kailangan tuparin na sa oras na yan ay katatagpuin ko ang LORD of all lords at naniniwala ka na sa pamamagitan ng paglapit mo sa kanya nandun yon pananalig at magtiwala kahit nasa sasakyan kami pag dumating ng oras ng Devotion ginagawa namin ng aking asawa
na kahit marami mga hindrances sa ating buhay magaan ang loob ko dahil alam ko na ang Diyos na buhay ay kasakasama natin at higit sa lahat may conviction sa bawat pagkakamali ko. Na ang tunay na pagdedevotion ay kailangan isa buhay natin.
In Jesus Name
Purihin ang Diyos
Amen
Crown of: Ramon P. Labuguen
UserName: estrellallarenas
Age: 71
Batch: 001
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
SA MGA NAGDAANG ARAW HABANG PATULOY TAYONG NAGBABASA
AT NAGMUMUNI MUNI SA MGA SALITA NG DIYOS. SA PAMAMAGITAN NG PAGDEDEVOTION AY MARAMI AKONG NATUTUNAN NA NAGPABAGO NG AKING BUHAY NOONG ..UNA.... AY AKALA KO AY SAPAT NA ....NA AKO'Y MABAIT , MATULUNGIN SA KAPWA, .. AT HINDI AKO GUMAGAWA NG MASAMA SA MGA TAO AY SAPAT NA YUN PARA SA DIYOS PARA AKO AY MAPUPUNTA NA.. SA.... LANGIT. NGUNIT HINDI PALA PAGKAT ANG MGA ITO PALA AY BASAHAN LANG SA PANINGIN NG ATING DIYOS.. KAILANGAN PALA AY MAY TUNAY AKONG PANANAMPALATAYA SA KANYA AT TANGGAPIN KO NA SIYA ANG HARI AT TAGAPAGLIGTAS NG AKING BUHAY AT MAHALIN KO SIYA NG BUONG BUO....AT MAY INTIMATE NA RELASYON SA KANYA....
IDINULOG KO NA LAHAT SA DIYOS ANG AKING MGA ALALAHANIN AT DOON KO MARAMDAMAN ANG KAPAYAPAAN NG AKING PUSO AT ISIPAN ... ANG SABI NGA NG DIYOS "CAST ALL YOUR BURDEN TO ME AND I WILL GIVE YOU REST". AT SA FINANCIAL NAMAN AY NAGTITIWALA AKO SA KANYANG PANGAKO SA PHILIPPIANS 4:19 NA HE WILL SUPPLY ALL OUR NEEDS ACCORDING TO HIS RICHESS IN GLORY BY CHRIST...
KUNG MAKAKAPAGBIGAY AKO KAHIT KONTI LANG SA MGA NANGANGAILAN AY NAPAKASAYA ...AT NAPAKAGAAN NA ANG AKING PAKIRAMDAM...,,
I LOVE YOU LORD.... AMEN..
Crown of: Estrella Llarenas
UserName: Lucrecia Y.Quitola
Age: 72
Batch: 004
Gender: Female
Location: Cabatuan, Isabela
Religion/Belief: Born Again Christian
Church Name: The Kingdom of God our Savior and Redeemer
Message:
Sa aking pag Daily Devotion ay mahalagang pagkakataon sa aking buhay . Ito ay napalapit ako sa ating DIYOS . Dati po kasi ay paminsan-minsan lang ako
dumadalo sa mga spiritual na gawain. At ngayon na may Daily Devotion , sa una ay medyo nahirapan din po ako dahil bihira akong nagbasa ng Word of God , kaya doon sa paggawa ko ng reflection ay nahirapan din ako but later on with the Guidance of our LORD kaya naka move on ako. Kalaunan naging excited at masaya ako sa Pagdevotion.dahil dito ay NABAGO ang attitude ko
Na Nagger sa aking husband . Kaya nagpapasalamat ako sa pppDaily Devotion at especially to OUR LORD dahil marami ang nabago sa attitudes ko. Doon po naman sa teaching approach sa mga previous devotion ay ibinahagi ko ang aking natutunan sa verse through sa reflection po natin. Ibinahagi ko rin sa ating mga kapamilya sa Our kingdom ang nangyari sa aming buhay through testimonies.
Kaya malaking pasasalamat ko sa Daily Devotion at lalo na sa atin DIYOS na nabago ang bad attitudes ko na hindi kaaya aya sa Ating Mahal na DIYOS.
Thank you LORD for guiding us . IN JESUS MIGHTY NAME. A M E N